Quantcast
Channel: Libreta ni Kuya
Viewing all 32 articles
Browse latest View live

PeXbook

$
0
0

Isa na namang sulat ang ating matutunghayan sa araw na ito. Narito po ang kanyang sulat:

Kuya Mao,

Nais ko po sanang magkaroon ako ng privacy sa ipapadala ko sa inyo. Nais ko po sanang itago nalang ninyo ako sa pangalang Kathrina. Salamat po. Gusto ko po sanang humingi ng advice mula sa inyo. May nagugustuhan po kasi ako. MU nga daw po ang status namin sabi sakin ng mga kaibigan ko, pero kaming dalawa po, di namin alam yung status namin. Lagi ko po syang nakakatext noon, nagtatawagan pa kami sa phone at kapag online kami sa facebook, lagi kaming magkachat. Nasanay akong lagi syang nandyan. Noong una palang, nakwento niya sa akin na nagkaroon sya ng girlfriend noong high school siya. First girlfriend niya yun at sabi niya mahal na mahal niya yun. Natanong ko rin kung may komunikasyon pa sila ng girlfriend niya. Ang sabi niya pinutol na niya lahat ng nag-uugnay sa kanilang dalawa. Kapag napag-uusapan namin yung tungkol sa ex niya, nasasabi niya na wala na talaga silang komunikasyon. Pero one time, nag-try akong buksan yung facebook account niya at yun nga nabuksan ko. Alam kong mali pero binasa ko yung mga messages niya. Kaya hindi ko na inulit pa yun. Nalaman kong may komunikasyon pa pala sila ng ex niya, lagi silang magka-chat kapag online siya, madami kasing conversation at tiningnan ko pa yung mga dates. May cellphone number pa sya ng ex niya. Parang tinutusok ng napakaraming karayom ang puso ko habang binabasa yung pinag-uusapan nila. Sabi pa nga niya dun sa ex niya na miss na miss na daw niya to. Tapos sweet siya dun. Nararamdaman ko kasing hanggang ngayon mahal niya parin yung ex niya. Ang ganda pa ng babae, naiinsecure ako at hindi ko maiwasang mainsecure kahit alam kong mali talaga. Gusto ko lang malinawan Kuya Mao. Bakit siya nagsinungaling sa akin? Hindi lang isang beses. Pinagmukha niya akong tanga. Hindi ko alam kung dapat ba akong umiwas? Ayaw ko naman ding siyang iwasan ulit, nagawa ko na kasi yan nung una, nag-away kami kasi gumanti siya nung iniwasan ko siya, pinaramdam niya rin sa akin ang pakiramdam niya nun. Naaawa ako sa kanya eh, kasi loner na nga sya, tapos binabalak ko pa siyang iwasan. Hindi ko po alam gagawin ko Kuya Mao. Gusto ko lang dumistansiya para hindi na ko muling masaktan. Hindi na ako nagpapadaan ng GM sa kanya. Binawasan ko na rin yung oras ng pakikipag-usap ko sa kanya sa cellphone. Gumawa nga ako ng palusot kesyo madami ako laging gagawin. Kapag siya naman tumatawag, di ko sinasagot. Hindi ko po alam kung tama ba tong ginagawa ko. Kuya Mao, gisingin niyo po sana ako. Gusto ko po talaga ng advice asap. Sana po masagot niyo kagad ang aking sulat. Salamat po Kuya Mao. More power! :)

Kathrina

Salamat Kathrina sa mahaba mong sulat.

Una sa lahat ay nais muna kitang tanungin kung maaari akong magtanong?

Ilang taon ka na ba?

Naitanong ko ito dahil kung pagbabasehan ko ang iyong sulat, ang tinging ko ay nasa 1st year hanggang 2nd year college ka pa lang.

Ikaw ba ay nasa matinong pag-iisip?

Naitanong ko ito dahil sa dami ng matitinong tao na pede mong pagsanggunian ng problema mo eh sa akin ka pa nagtanong. At nagpapasalamat ako sa’yo dahil doon. ;)

Umpisahan na natin ang aking opinyon.

Ang status nyo ngayon ay MU na ang ibig sabihin ay Magulong Usapan dahil wala naman kayong relasyon eh nagseselos ka. Pede din naman na WU o Walang Usapan dahil wala naman talaga kayong usapan di ba?

Minsan kasi ang isang simpleng gesture ay nabibigyan ng ibang kahulugan o malisya kaya dito nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan. Hindi lamang ito sa usaping pag-ibig kundi maging sa araw-araw nating pamumuhay.

Sagutin natin ang tanong mo.

Bakit siya nagsinungaling sa’yo?

Ma at Pa.

Malay mo eh ayaw ka niyang masaktan dahil mahal ka nya.

Palagay ko eh mahal ka nga nya kaya ayaw kang nyang masaktan.

Maaaring ayaw ka niyang masaktan kaya sya nagsinungaling sa’yo. Siguro negatibo ang iniisip nyang maaari mong maging reaksyon kaya mas pinili nyang magsinungaling sya sa’yo kesa magsabi ng totoo.

Sa kabilang banda, maaari namang pinaglalaruan ka lang din ng kaibigan mo. Ayon kasi sa mga nabasa mo sa kanyang mga messages sa kanyang ex eh sweet sya at miss nya na ito.

Magandang aral na din siguro ito para sa’yo na huwag makikialam ng account ng me account para ‘wag kang masaktan.

Nagtataka lang din ako kung paano mo nalaman ang password nya.

Dapat ka bang umiwas?

Bakit?

Dahil nasaktan ka?

Hindi maaaring maging dahilan ang nararamdaman mong sakit para umiwas ka sa kanya. Una na siguro eh dahil ang pagmamahal ay laging may kasamang sakit. Sa palagay ko ay hindi rin naman nya sinabi sa’yo na buksan mo ang pesbuk account nya at basahin ang conversation nila ng ex nya.

Kung talagang hindi mo kaya ang sakit na nararamdaman mo, sige, umiwas ka muna. Pero ‘wag mong hayaan na ang pag-iwas mo ang magiging katapusan ng pagiging magkaibigan nyo.

‘Yung mga palusot mo ngayon eh tama lang dahil nga sa sakit na nararamdaman mo. Pero maghanda ka din ng maraming palusot dahil baka isang araw eh maubusan ka.

Sa huli, ang pinakamagandang gawin ay kausapin mo sya.

Sa kanya mo itanong kung bakit sya nagsinungaling sa’yo. Bakit nya ginawa ang mga bagay na makakasakit sa’yo. Pero nais lang kitang balaan na kung anuman ang magiging reaksyon niya ay maging handa ka. Lalo na kung lalo kang masasaktan sa mga sasabihin niya.

Kung walang nagbabago sa inyong samahan at sa mga pinakikita nya sa’yo, ‘wag kang assuming. Baka naman kasi iniisip mo lang na mahal ka din nya eh hindi pala.

Kapain mo din ang tunay mong nararamdaman para sa kanya dahil baka mamya ay naaawa ka lang sa kanya dahil sabi mo nga eh loner sya.

‘Wag mong madaliin ang mga bagay-bagay lalo na sa usaping pag-ibig. Hindi pa naman magwawakas ang mundo sa December 21, 2012.

Walang mali sa mga ginagawa mo dahil ikaw lang ang makakapagsabi kung tama ito.

Sana ay magkausap kayo sa lalong madaling panahon upang magkaliwanagan kayo at magkaunawaan.

Balitaan mo na lang din ako kung anuman ang inyong napag-usapan. Gusto ko lang maki-tsismis.

Hanggang dito na lamang at sana ay nasagot ko ang iyong mga katanungan.

Hangad ko ang iyong kaligayahan.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

********

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyangtwitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)



Sambat Trust Story

$
0
0

Isa sa mga naging panata ko noong nagsisimula pa lamang akong magkalat sa mundo ng internet ay makisali sa mga panawagan at mga adbokasiya lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng mas nakararami at nangangailangan.

Sa ilang araw kong paglilibot sa internet, may nakita akong isang site na pamilyar sa akin ang pangalan.

Hindi ko inisip na ito ay sa bayan namin mismo dahil ngayon ko lang narinig ito.

Binusisi kong magaling kung sino ang may pasimula ng isang magandang adhikain na ito.

Dito ko nakilala si Sir Anthony Mariano.

Isang Pinoy na kasalukuyang naninirahan sa United Kingdom at nagbigay ng pag-asa sa mga kabataang Pinoy lalo na sa kanyang mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan.

(Basahin dito kung paano nagsimula ang kanyang proyekto)

Saludo ako kay Sir Anthony dahil sa magandang proyekto niyang ito at nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa kanyang pagbibigay ng pag-asa sa mga kabataang Pinoy.

Sa mga nais makibahagi sa proyektong ito ni Sir Anthony, maaaring bisitahin ang sambattrust.org o i-click ang logo sa side bar.

Marami salamat sa’yo Sir Anthony Mariano at sa’yong mga kasama sa programang ito at salamat din sa mga nakikibahagi at magki-click sa link.


Bagong Taon. Walang Nagbago.

$
0
0

Natapos na naman ang isang taon na parang walang nangyari. Ano nga ba ang pinaggagawa ko nung nakaraang taon?

January

February

March

  • Dahil siguro sa pangalan ng buwan na ito kaya nauso ang graduation. Sa buwan din na ito eh nausuhan ako ng katamaran kaya walang akong naikwento kahit pang-update man lang sa twitter.

April

May

June – September

  • Sa loob ng apat na buwan ay hindi ko mabuksan akong account kong ito. Dahil siguro pinagpraktisan ako ng cyber crime law. Apat na buwan ang lumipas, apat na buwan ang hindi nasayang dahil wala din naman kaming internet connection.

October

  • Ang sarap ng pakiramdam habang niroromansa ko ang bawat letra sa keyboard. Matapos ang apat na buwan na pagkakasara ng bloghay ko, nabuksan ko ulit matapos ang konting pagkutingting. Para akong bata na nakatikim ng ice cream sa unang pagkakataon. Masarap sa pakiramdam ang pagpindot ulit sa mga letra. At bilang panimula ay nagkwento agad ako ng tungkol sa Halloween na nagmukang pang April Fool’s Day.

 

November

 

December

Tapos ang 2012. Naging abala ako sa panonood ng mga pelikulang pang End of the World at matyaga kong binabantayan ang pakagunaw ng mundo noong December 21 habang nagki-Christmas Party hopping ako. Wala namang nangyari.

Ngayon taon ay siguradong magiging dahilan ko na naman ang pagiging busy kaya ‘wag ka ng umasa na me bagong kang mababasa basta araw-arawin mo na lang ang pagbalik para lagi ka ding updated.

Bagong taon.

Bagong pag-asa.

Bagong buhay.

Hindi ko lang alam kung mayroon din akong magiging bagong kwento.

Belated Happy New Year at Three Kings!

Happy Fiesta Poong Nazareno!


Libreng Kasal, Hindi Libreng Maghiwalay

$
0
0

Isang liham na naman ang ating matutunghayan sa araw na ito.

 

Kuya Mao,

Magandang araw po sa inyo at sa milyon-milyon nyong taga-basa. Itago nyo na lang po ako sa pangalang Joyce, 20 years old. Sa darating pong February ay ikakasal na ako pero hindi po ako buntis. Sabi po kasi ng parents ko eh magpakasal na daw po ako dahil may libreng kasalan po dito sa amin. Handa na po lahat ng gagamitin namin sa kasal ng boyfriend ko at nakapag-seminar na din po kami. Sa palagay ko naman po ay mahal ako ng boyfriend ko dahil nung tanungin sya nung nagbigay sa amin ng seminar ay handa nya raw akong ilaban ng patay. Kuya Mao naguguluhan po ako. Parang hindi pa po ako handang mag-asawa dahil hindi naman po ako nagmamadali at sa edad ko po ay tingin ko ay bata pa po ako. Sana po ay mapayuhan nyo ako.

Lubos na gumagalang,

Joyce

Salamat sa pag-aabala mong sumulat Joyce. Nais ko lang itama na hindi milyon-milyon ang aking taga basa. Katunayan ay pang-lima ka pa lang sa nagbabasa nito.

Bago ko simulan ang payo kong hindi ko alam kung may katuturan ay gusto kong itanong sa’yo kung bakit gusto mong itago pa kita sa ibang pangalan? Wanted ka ba sa inyong bayan? Anyway hindi ko na hihintayin ang sagot mo dyan.

Sa edad mong 20 years old ay pwede nating sabihin na bata ka pa nga para mag-asawa. As an old clichè goes, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo at pagnapaso ay iluluwa. Hindi rin ito isang damit na kapag naluma ay papalitan. Hindi rin ito isang basahan na kapag madumi na ay basta mo na lang itatapon. Hindi rin ito isang hita ng pritong manok na pagkatapos mong masaid ang laman ay ipapakain mo na aso o sa pusa. Hindi ito isang bote ng alak na kapag ubos na ang laman ay ibebenta mo na sa magbobote. Hindi ito kung anu-ano pang bagay na pwede mong maisip na may silbi na kapag umayaw ka na ay basta mo babaliwalin.

Ang kasal ay isang banal sakramento. Sabi nga sa amin nung isa kong professor, ang kasal daw ay isang vocation at hindi vacation.

Ang pag-aasawa isang kanin na bago luto na kailangan mo muna hipan bago isubo para hindi ka mapaso. Ito ay isang damit na kapag naluma ay pede mong lagyan ng ibang design para magkagana ka uling isuot. Ito ay isang basahan na kapag madumi na ay pede mong labahan para mabasa ulit. Ito ay isang hita ng pritong manok na kapag ubos na ang laman ay pedeng mong itanim sa paso at palaguin dahil ang tawag na lang dito ay buto (ampangit ng hirit kong ‘yon.) Ito ay isang bote na alak na kapag naubos ang laman ay pede mong lagyan ng tubig.

Sa kabila ng mahaba kong banat na walang kwenta eh ang gusto ko lang sabihin eh ang pag-aasawa ay hindi basta-basta.

Kung sa tingin mo ay hindi ka pa handa para mag-asawa, huwag mong ituloy. May tatlong linggo ka pa para pag-isipang mabuti ang gagawin mo. Huwag kang magpadalos-dalos sa mga gagawin mo.

Kaya isang vocation ang pag-aasawa ay dahil kelangan mong mag-trabaho 24/7 para lumago ang inyong pagsasama ng wala kang hihintay na kabayaran kundi maging masaya ka at maging kuntento ka sa inyong pagsasama.

Kung ang iniisip mo naman ay dahil libre ang kasalang magaganap, huwag kang mag-alala dahil marami pang kasalang magaganap. Sa sunod na libreng kasalan siguro ay handa ka na. Kahit ako na ang sumagot ng isang baboy (pag laki) kung dumating ang time na gusto mo na talagang magpakasal.

Kung iniisip mo ang mga gamit na binili nyo para sa kasal ay huwag kang mag-alala. Pwede mo pa namang gamitin ‘yan sa susundo dahil hindi naman ‘yan mapapanis. Kung ang iniisip mo eh ‘yung gown na isusuot mo, i-maintain mo lang figure mo nung sinukatan ka para hindi mo na kelangang iparetoke pa pag handa ka ng magpakasal.

Gusto ko lang itanong, mahal mo ba ang boyfriend mo?

Mahirap kasi na hindi mo sya kayang ipaglaban pero ikaw, kaya ka nyang ilaban ng patayan.

Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay sa mundo. Kelangan eh relax ka lang lagi.

Sabi mo nga eh gusto ng parents mo ang gustong magpakasal ka na. Bat hindi mo subukang sabihin sa kanila na sila ang magpakasal? Wag mo lang sasabihin na ako ang nagsabi dahil baka hunting nila ako.

Kausapin mo ang magulang mo at sabihin mo ang mga plano mo. Bilang magulang ay maiintindihan ka naman nila at bilang magulang din ay gusto naman siguro nila ay ‘yung makakabuti para sa’yo.

Hindi ko alam kung may usapan na ang magulang mo at magulang ng mapapang-asawa mo pero ganun pa man eh sana ay hintayin nila na pareho kayong maging handa ng jowa mo.

Mahirap pumasok sa isang bagay na walang labasan.

Tandaan mo: Mahal ang annulment at walang divorce dito sa bansa. At hindi ka din naman magpapakasal para makipaghiwalay.

Sana ay nabigyan ko ng kaliwanagan ang magulo mong isip.

Hangad ko ang iyong kaligayahan.

Lubos na nagpapasalamat,

Kuya Mao

*****

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyangtwitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)


Nang muntik ng sakupin ni Pluma Ley Ar ang mundo

$
0
0

Nagkagulo ang buong kamaynilaan dahil sa isang dambuhalang alupihan na pakawala ni Pluma Ley Ar, ang pinakamalupit na kriminal sa buong kalawakan.

Natapon ang sorbetes ng bata. Nabasag ang mga lamparang ibinebenta sa bangketa. Nagtakbuhan ang mga tao . May nadapa. May nadaganan. May umiiyak na bata. Hindi magkamayaw ang mga taong nagtatakbuhan at nagiiyakan dahil sa dambuhalang alupihang halimaw.

“Isa na namang halimaw ang pinakawalan ni Pluma Ley Ar” ang sabi ng taga pagbalita.

Agad ibiniba ni Alexis ang kanyang binabasang peryodiko matapos marinig ang balita at agad tumakbo sa kanyang sikretong lungga sa kanyang bahay.

Habang sakay siya ng elebeytor pababa sa kanyang sikretong lungga ay tinawagan niya si Annie.

“Napanood mo ba ang balita tungkol sa dambuhalang alupihan?” tanong nya kay Annie.

“Oo at sa palagay ko eh isa na naman ito sa mga pakawala ni Pluma Ley Ar.” Sagot ni Annie.

“Palagay ko din. Magkita tayo doon.” Sabi ni Alexis sabay baba ng kanyang cellphone.

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima. Nagkalat sa kalye ang mga duguan at wala ng buhay na biktima ng dambuhalang alupihan. May mga nadaganan ng sasakyan. May naipit ng bumagsak na gusali.

Patuloy sa dahan-dahang paggapang ang dambuhalang alupihan upang maminsala sa ibang lugar.

Tinira ni Alexis ang dambuhalang alupihan mula sa likod ng hawk missile habang sakay sya ng kanyang Blue Hawk habang si Annie naman ay nasa hindi kalayuan at sinusubaybayan ang galaw ng halimaw.

Bumaling ang dambuhalang alipuhan kay Alexis na si Sahider na ngayon dahil sa suot niyang helmet at kumikislap na kulay bughaw na damit.

Pinasiritan si Shaider ng malagkit na likido mula sa bibig ng halimaw ngunit agad siyang nakaiwas dito.

Sa ibaba naman ay naramdaman ni Annie ang biglang paggalaw ng lupa na tila may lindol. Napatigil si Annie. Kasunod nito ang paglabas ng isang malaking ahas mula sa lupa at nakasakay sa ulunan nito si Pluma Ley Ar.

“HAHAHAHAHAHAHA!” malakas ang tawa ni Pluma Ley Ar na dinig sa buong kamaynilaan na tila may trompa.

“Mga hangal! Hinid nyo ako kayang talunin. Sisirain ko ang mundo nyo gaya ng pagsira ko sa planetang Jupiter!” mahabang sabi ng criminal pangkalwakan.

Nagsanib ang dambuhalang alupihan at dambuhalang ahas at naging isang dambuhalang kuto habang nasa tuktok pa rin ng ulo ng halimaw si Pluma Ley Ar.

Tumilapon sa lupa si Annie mula sa kanyang sasakyan dahil sa malakas na paggalaw ng lupa.

“Annie!” sigaw ni Shiader.

“Magbabayad ka Pluma Ley Ar! Tatapusin na kita!” sabay talon patalikod ni Shaider mula sa kanyang blue hawk habang ang sasakyan nyang ito ay unti-unting nagsa-anyong malaking baril.

“HAWK LASER!” sigaw ni Shaider habang hawak ang kanyang blue hawk na isa na ngayong baril.

Sapul sa mukha ang dambuhalang kuto at maging si Pluma Ley Ar ay hindi nakaligtas dahil sa laki ng hawk laser.

Tuluyan ng sumabog ang dambuhalang kasama si Pluma Ley Ar at tuluyan na silang natunaw.

Agad bumalik sa pagiging motor ang blue hawk ni Shaider at agad nyang pinuntahan si Annie na nakasalampak pa rin sa kalsada.

“Annie tagumpay tayo. Natalo natin si Pluma Ley Ar.” Sabi niya kay Annie habang sapu-sapo ang ulo nito.

Dahan-dahang ibinangon ni Shaider si Annie at pinainom ng isang mahiwagang medisina.

Tinitingnan nila ang mga taong nagbubunyi.

“Sa isang iglap ay nagwakas ang paghahasik ng kasamaan ni Pluma Ley Ar. Salamat sa ating magiting na pulis pangkalawakan.” Sabi ng taga pagbalita.

Sabay tutok ng kamera kay Shaider at Annie na nasa likuran lang ng taga pagbalita.

Madaming sumalubong at sumaludo sa dalawa. Mayroong nagpapakuha ng litrato kina Shaider at Annie. Todo pose din naman si Shaider na parang isang barako na pinapakita ang kanyang braso habang si Annie naman ay nagtutuwad na parang puta na kita ang kanyang kuyukot.

Dito nagwakas ang kasamaan ni Pluma Ley Ar.

 

 *****

 

Pinunit nya ang pahina ng kanyang kwaderno na pinagsusulatan ng kanyang mga kwento.

Hindi nga talaga maaari sa akin ang isang manunulat. Medisina nga pala ang kurso ko hindi manunulat.

 

*****

 

Isang mapangahas na lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.


Siguradong Hapi Balentayms Dey!

$
0
0

Araw na ng mga Puso!

Marami ang nag-aabang sa araw na ito kada taon.

Siguradong sangkatutak na naman ang mga parokyano ng mga motel at siguro puro naman sila promo.

Siguradong marami na naman ang mga magkukubli sa mga madidilim na parte ng parke.

Siguradong magmamahal naman ang presyo ng bulaklak pero siguradong marami pa rin ang bibili.

Siguradong marami ang mamimili ng kartolinang pula at gugupiting hugis puso.

Siguradong marami na namang Balenteyms Concert na magaganap.

Siguradong marami na namang magbibigay ng bulaklak sa kanilang sinisinta.

Siguradong marami na namang pakulo ngayong araw ng mga puso.

Siguradong marami pa rin ang malalamig ang araw na ito na parang pasko.

Siguradong marami na naman ang luluha dahil maaalala ang nangiwan sa kanilang jowa.

Siguradong maraming magiging masaya.

Siguradong marami na naman ang maghihintay ng araw na ito sa susunod ng taon.

 

 

 

Siguradong pagkatapos ng araw ng mga puso ay araw ko naman ang susunod!

 

 

MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO! :)


Ang Partylist. Bow.

$
0
0

59 na araw na lang at huhusgahan na ang mga kandidato na kung ilang taon ng nagsimulang magpabango, nagpakilala, umepal at nangampanya. Nagsimula ang opisyal na kampanyahan noong February 12 para sa mga gustong maging Senador at Partylist habang sa March 29 naman ang para sa mga gustong maging Congressman, Governor, Mayor, Konsehal at pati na rin ang mga gustong maging alalay nila.

Siguradong ngayon eh may napipisil ka na para makasama sa Magic 12 sa Senado, maging representante mo sa Kongreso, maging Gobernador mo, Mayor at Konsehal. Pero sa Partylist, may napili ka na ba?

Ang Partylist ang grupo na magiging representante ng isang sektor sa Kongreso.

Kung ikaw ay isang magsasaka, may Partylist para sa’yo.

Kung ikaw ay drayber, may Partylist para sa’yo.

Kung ikaw ay isang teacher, may Partylist para sa’yo.

Kung kayo ay isang grupo, siguradong may Partylist para sa inyo.

Ngayong darating na eleksyon ay mayroong 136 na Partylist na nagsasabing sila ay magiging boses ng iba’t-ibang sektor sa  kongreso. Kung sisipatin mo eh sino nga ba talaga ang sektor na sinasabi nila at kung ano ang pwede nilang gawing patunay na sila nga ang magiging boses ng iba’t-ibang sektor sa Kongreso.

Dito ko napansin ang isang Partylist.

Ayon sa opisyal na webpage ng naturang partylist ay silang ang magsusulong nakarapatan ng mga Pinoy Skilled Workers.

Sila din ang partylist na may ugnayan na sa mga National Agencies na nagbibigay ng suporta sa mga manggagawang Pinoy.

Sila ang 1-AALALAY Partylist.

Sa aking pagkakaalam hindi pa man sila pormal na nagrerepresenta sa mga magagaawang Pinoy, sila ay may mga kasalukuyang programa na pinapakinabangan na ng ating mga kababayan tulad ng Libreng Pagsasanay at mga Jobs Fair.

Sa dinami dami ng mga Partylist, may isa na palang Partylist na maaaring kumatawan sa mas nakararami.

Kung ikaw ay isang teacher, isa ka na ding skilled worker.

Kung magsasaka ka o drayber isang kang skilled worker.

Kung ikaw ay isang empleyado na nagtatrabaho (dahil may mga empleyadong nagpapalamig lang sa kanilang opisina at gumagamit lang ng internet sa opisina) ang 1-AALALAY ang Partylist na para sa’yo.

Tandaaan lang ang #72 sa balota sa darating na May 13, 2013.

Pagsamasamahan sana nating maging representate nating mga manggagawang Pinoy ang 1-AALALAY Partylist sa Kongreso.

 Sabi nga nila: Sa 1-AALALAY, mas gaganda ang buhay!

Iboto!

1-AALALAY Partylist

# 72 sa balota


Ang Aking Unang First Day

$
0
0

Ilang oras na lang ay magsisimula na ang muli ang bagong propesyon. Pwedeng profession by choice at pwede ring sapilitan lang pero siguradong by choice ito.

Nung una akong pumasok bilang isang lingkod bayan(i) mahigit isang taon na ang nakakalipas, isa sa unang pinagawa sa’kin eh gumawa ng isang manual tungkol sa self-leadership at work ethics. Hindi ko alam kung me kinalaman ito sa ugali ng mga ka-opisina ko na inabutan ko na dito. Nung una eh medyo napaisip pa ako kung pano gagawin ‘yun dahil hindi ko alam kung pano gumawa ng manual at wala rin akong alam tungkol sa self-leadership. Sa tulong ng mahabaging internet, nakapag-research ako tungkol sa topic at kinompile ko na lang. Syempre nilagay ko din ‘yung mga references. Mga notes ko naman galing sa dati kong trabaho bilang tagatimpla ng kape ang kinunan ko ng idea tungkol sa work ethics. Simple lang ang ginawa ko dahil sa tingin ko eh ito ‘yung mga basic na kailangang ugali ng isang empleyado at ‘yung pede mong gamitin sa pakikipagkapwa tao at ito rin ‘yung madalas wala sa isang empleyado.

Pinagsama-sama at binuk bind.

Tapos ang manual.

Pero ‘yun pa lang pala ang simula ng bago kong raket sa buhay.

Dahil ako ang gumawa (nag-compile pala at nag-research), ako din ang pinag-discuss sa mga estudyante bago mag-training dahil gusto ng boss namin na hindi lang basta matututo ng skill ang mga trainees namin kundi magkaroon sila ng magandang pananaw sa buhay para magamit ng maayos ang kanilang skill at maging mabuti ding empleyado.

Walang problema. Madali lang naman ‘yung topic at dahil ako nga ang gumawa nag-research at nag-compile, madaling i-discuss sa mga estudyante. At pangarap ko din dating maging teacher.

Halos lahat ng mga estudyanteng magte-training ay nabigyan ko ng seminar tungkol sa self-leadership at work ethics. Masarap sa pakiramdam ang nagdi-discuss dahil siguro madami akong nakilala at nakainuman at alam ko kahit papano eh may natutunan sila.

At ilang oras nga mula ngayon eh magtuturo na ulit ako pero hindi tungkol sa pagdisiplina sa sarili at tungkol sa pag-uugali ng isang empleyado kundi isang skill na ilang taon ko nang hindi nagagawa — ang pagtitimpla ng kape.

Sa loob ng halos limang taon ay naging taga-timpla ako ng kape kaya naman hindi ko basta-basta malilimutan lahat ng natutunan ko sa pagtitimpla ng kape. ‘Yun nga lang, kailangan ko ng konting refresher dahil sa dami ng bagong information sa utak ko eh kelangan ko ng i-retrieve kung anuman ang mga natutunan ko dati.

Excited na ako mamya dahil madami na naman akong mapagmamalakihan ng yabang ko.

Bukod sa yabang eh madami din akong mapagyayabangan ng passion ko sa pagtitimpla ng kape pati na rin sa pag-inom nito at ang paminsan-minsan kong sakit na mag-feeling Kuya Kim dahil sa kung anu-anong information na sinasabi ko na minsan eh hindi pinagiinteresan ng mga nakikinig.

Siguradong magpi-feeling teacher na naman ako mamya.

Higop muna ng isang tasa ng bagong laga na kape bago sumabak.



Ang Aking Unang Second at Third Day

$
0
0

Nakadalawang klase na pala ulit ako mula nung huli. Hindi ko namalayan na ganun lang pala ‘yun kabilis. Pero bago pa lalong bumilis ang istorya ko eh gusto ko munang ikwento (kahit hindi mo gusto) ang mga bahagyang blow-by-blow o daplis lang ng mga pangyayari nung unang araw ko sa bago kong sideline.

Unang araw ko nung Lunes.

Dahil hanggang alas-singko ng hapon ang pasok ko sa opisina at alas-kwatro ang umpisa ng aking pagpapakyut, na-late ako ng isa’t kalahating oras.

Medyo kinakabahan ako papasok ng center kaya inilabas ko ang mahiwaga kong pampakalma — isang stick ng yosi. Para magmukha akong “cool” sa paningin ko, tumambay muna ako sa labas ng center habang nagyoyosi, pagkatapos ay saka ako pumasok.

Buti naman at hindi ako sinalubong ng mga lumilipad na binilot na papel pagpasok ko ng room.

Magandang ang naging simula ng klase dahil naging boluntaryo akong clown para sa klase.

Pero may isa akong eksenang hanggang ngayon eh gusto kong itama. Iginiit ko ang paliwanag ko kahit mali.

Oo na. Alam kong bilang isang magtuturo eh dapat tama ang tinuturo. Pero nang mga pagkakataong ‘yon eh siguro dahil na rin sa eksaytment at sa kaba kaya iginiit kong ‘yung paliwanag ko kahit pagkatapos nun eh hindi ko makita ang logic ng sinabi ko.

Buti na lang at meron pa akong araw katulad ngayon na maitatama ko ‘yon.

At oo na. Alam kong sa susunod eh dapat hindi na ganun at pipilit ko ang sarili ko na hindi na ulit mangyari ‘yun.

Pangalawang araw ko ang araw na sunod sa Lunes.

Dahil sa “pagkakamali” ko nung unang araw, bumawi ako sa ikalawang araw.

Nagdala na ako ng mga back-up notes para kung magka-aberya man eh meron akong pagtatanungan.

Swabe pa rin ang naging takbo ng usapan nung pangalawang araw na tulad pa rin nung unang araw.

At katulad pa rin nung unang araw, naging boluntaryong clown na naman akong ng klase.

Hanggang alas-nuebe ng gabi ang klase namin at sa unang dalawang araw ay sumasakto lang kami sa oras pero nag-iba ito sa ikatlong gabi, kagabi.

Dahil na rin siguro sabik silang mag-hands-on, hindi mapigilan ang kanilang mga tanong nang actual na nilang nakaharap ang timplahan ng kape.

Sumobra kami ng kalahating oras kagabi at hindi pa sana matatapos ang kanilang mga tanong kung hindi lang sa mga kaklase nilang malayo pa ang uuwian.

Ang mga susunod na gabi na magsisimula ngayon ay siguradong hindi lalayo sa mga gabing katulad kagabi.

Kaya mukhang kelangan ko silang paghandaan ng ayos.

Higop muna ulit ng isang tasang bagong lutong kape bago pumasok.

:)


Huling Habilin

$
0
0

Ilang oras na lang ang hinihintay ko bago ako sumalang sa matalas na kutsilyo ni Dok. Ilang taon ko na ding iniinda ito at sa palagay ko eh ito na ang tamang panahon upang gawin ito.

Maaga pa ay nagpunta na kami sa ospital.

Habang papasok sa operating room ay ramdam ko ang lamig ng lugar.

Habang nakaupo sa wheelchair ay naiisip ko ang mga nangyari sa buhay ko nang nagdaang dekada.

Ganito talaga ata ang nararamdaman kapag nasa hukay anh isa mong paa.

Bago pa man ako tuluyang maipasok sa operating room, hinawakan ko sa kamay ang aking may-bahay.

Buong pagmamahal ko syang tinitigan sa kanyang mga mata at nagbigay ng huling habilin.

“Mahal, kung hindi man ako makalabas ng buhay dito, ikaw na ang bahala sa mga anak natin. Wag mo silang pababayaan pati na rin ang sarili mo. Alam kong hindi natin kagustuhan kung may masamang mangyari sa akin pero sana ay tanggapin natin ito ng maluwag sa ating dibdib. Mahal na mahal ko kayo ng ating mga anak.” Habilin ko sa aking asawa.

Luhaan ang mata.

Basag ang boses habang pilit na pinipigilan na maging emosyonal.

“Artemio,” buong ningning at pagmamahal akong tinitigan ng aking may-bahay.

“Wag ka ngang maginarte dyan! Walang namamatay sa tule noh?! Laking laki mo eh duwag ka!”


Ngarat his face

$
0
0

Kuya Mao,

Good day Kuya. Sana ay matulungan mo ako. Meron kasi akong a-hole na office mate. What do you think I should do with him?

Love lots,

Z

Magandang araw sa’yo Z. Natutuwa ako sa sulat mo dahil napakaiksi and straight to the point.

Henyweys, derechuhin na din natin ang sagot.

Unang tip, bigyan agad sya ng isang malutong na dirty finger. ‘Yung tipong naghuhumindig talaga ang iyong hinlalato sa lutong at parang nakainom ng Viagra. Syempre medyo magtataka sya dahil bigla ka na lang nangarat. Kapag kinumpronta ka nya, ‘wag mong papatulan. Dapat relax ka lang. East lang. Palusutan mo agad ng “Bakit? Ikaw ba nginangaratan ko?”. Pede kang lumusot sa pagkakataong ‘yun kung kayo eh nasa lobby ng office nyo o kung saan mang mataong lugar mo ‘yun ginawa. Kung kayo lang dalawa ang tao, me lusot ka pa din. Dalihan mo naman ng “Hindi ah! Inatake ng spasm ang daliri ko kaya biglang tumuwid.” Bahala ka na kung ano pa ang palusot na maiisip mo.

Kung kinompronta ka nya sa ginawa mong pangangarat, ‘wag kang aatake dahil lalabas na me kasalanan ka talaga. Dapat palabasin mong ikaw ang dehado.

Pangalawang tip, magsuot ka ng shades na sobrang dark para hindi mo sya gaano makita. Dahil nga a-hole ang office mate mo, syempre ayaw mo syang makita. Kung hindi mo maiiwasang makita sya eh maganda kung magsusuot ka ng shade na dark para hindi mo sya masyadong maaninaw. Hindi nya din makikita na pinapaslang na pala sya ng mga tingin mo.

Kung ang pagiging a-hole nya eh dahil ayaw din sa’yo, me pangatlong tip ako. Hiritan mo ng “Kung hindi mo ako kayang pakisamahan, maghanap ka ng ibang trabaho.” Panis! Medyo maangas ang dating mo pero ‘wag ka pa ring lalaban kung sakaling hamunin ka ng suntukan. Dapat cool ka lang at ipamukha mo sa kanya na binigyan mo po sya ng choice.

Pero kung ang sinasabi mong office mate mo eh ang boss mo, sa tingin ko eh dapat ikaw ang maghanap ng ibang trabaho.

Sana ay nasagot ko ang katanungan mo. Balik balik ka lang at baka sakaling may iba pang tip ang mga readers natin.

Maraming salamat ulit!

Lubos na nagmamahal,

Kuya Mao

*****************************************************************************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

 


10 Years in the making

$
0
0

Nakatapis lang tuwalya at nagpupunas pa ng kanyang basang buhok si Girlie nang lumabas siya mula sa banyo habang si Milton naman ay panay ang hithit buga sa subo-subo niyang sigarilyo. Katatapos lamang ng isang mainit at malagkit na sagupaan sa pagitan nilang dalawa.

“Mukhang matatagalan na naman bago tayo muling magkita.” mahinang sabi ni Milton.

Humiga si Girlie sa kanyang tabi sabay yakap na parang ninanamnam ang kanilang pagtatagpo na iyon.

“Mahirap sagutin ‘yan” maikli nyang sagot sabay halik sa pisngi ng lalaki.

“Sigurado ka na ba sa gagawin mo?” tanong ni Milton

“Oo,” sabay angat ng ulo ni Girlie, “sampung taon ko kayang pinagisipan ‘yon.”

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Milton.

Magkahalo ang kanyang emosyon.

Pigil ang kanyang luha.

Sa pagitan ng ilang saglit na katahimikan, nag-ring ang telepono sa kanilang side-table.

“Sige. Check out na kami” sagot ni Girlie sa kausap sa kabilang linya sabay baba ng telepono.

Agad silang nagbihis at magkahawak kamay na tinungo ang pinto.

Bago pa man tuluyang mabuksan ni Girlie ang pintuan ay hinigit siya ni Milton at mariin na hinalikan sa labi.

“Salamat at nakilala kita. Mahal kita. Best wishes sa inyong dalawa.” isang mapait na ngiti ang ibingay ni Milton at sabay nilang tinungo ang bukas na pintuan ng motel na ‘yon.


“Sulat ng Saloobin”

$
0
0

Author’s Note:

Ang mga susunod mong mababasa ay may kahabaan. Mangyari lamang na umihi ka muna at maghanda ng meryenda. Mag-iwan na din ng iyong opinyon kung maaari. Salama sa iyong pangunawa.

P.S.

Pakinggan ang “One Last Cry” ni Brian McKnight habang binabasa ito para mas maganda ang ambiance. :)

READ ON!

 
Asawa ko,
 
    Sa dami kong gustong sabihin, hindi ko alam kung panu ako magsisimula. Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang dapat kong gawin. Nasasaktan ako. Mahal na mahal kita. Sana alam mo yon at nararamdaman mo iyon. Hindi ko maintindihan kung paano mo ako nagagawang saktan at lokohin. Alam kong may karelasyon kang iba. Nakipag kita sa akin ang babae mo. Pinabasa niya sa akin ang mga txt messages mo sa kanya. Naisip ko bigla, buti pa siya, ang lambing mo sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maingit sa kanya kahit ako ang asawa mo? Ang kapal din naman ng mukha niya para komprontahin ako. Parang intension niya talagang sirain ang pamilya natin. Napaisip ulit ako, panu na ang anak natin? Masakit sa loob ko na bigyan sila ng isang wasak na pamilya. Ayoko sanang dumating ang araw na tanungin nila ako nang “mama, anung nangyari sa pamilya natin?” Sa mga nagdaang araw, lubos kong pinagiisipan kong anu ba ang dapat kong gawin. Ipagpapatuloy ko pa ba ang relasyon natin o ako na lang kaya ang lumayo para sa kasiyahan mo? Napakahirap magdisisyon. Ang dami kong dapat isaalang-alang. Ang bata, ikaw, ako, tayo. Kung titiisin ko lahat ng panloloko mo, masasabi ko pa bang isang pamilya tayo? Hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit? Magiging Masaya pa ba ako kasama ka? Hindi ko alam kung ako ba ang hinahatian o ako ang nakikihati sa atensyon at pagmamahal mo.  Pero teka, mahal mo ba ako? Baka naman ako lang ang nagsasabi at nagiisip na mahal mo ako. Kaya ko bang magkunwari na okay lang ang lahat sa harap ng mga bata? Kung lalayo naman ako, paano ang mga anak natin? Paano ko ipapaunawa sa kanila ang lahat ng ngyayari? Napakasakit sa loob ko lahat ng ito. Sana nauunawaan mo ang nararamdaman ko. Sabi nila, walang problema na ibibigay si Lord, kung hindi natin kakayanin. Pero sa totoo lang, hindi ko na talaga kaya. Durog na durog na ang puso ko. Ilang beses ko ng sinubukang lumaban at tumayo, ilang beses ka na ding nangako na hindi na ako sasaktan at lolokohin ngunit patuloy pa ding napapako ang mga pangakong iyon. Hanggang kelan ako aasa? Gusto ko ng sumuko, pero paano? Kung ilalaban ko naman, paano? Paano ko gagawin alin man sa mga ito kung sarado na isipan mo? Ipinapanalangin ko na lang na Masaya ka. Kung Masaya ka na nasasaktan ako, siguro nga wala ng patutunguhan ang pagsasama natin. Sobra na ang isinakripisyo ko para sayo. Sana man lang, pinahalagahan mo lahat ng iyon.
 
Asawa mo
 
Itatago natin sa initials na KD ang nagpadala nang sulat na ito. Una na nyang sinabi sa akin na isapribado ang tunay niyang katauhan ngunit wala siyang binigay na alyas kaya nagmagandang loob na akong magbigay.
 
Marami salamat sa’yo KD.
 
Nang mabasa ko ang unang mga linya mo eh naisip ko na agad na isa na naman itong sulat ng pagkasawi — at hindi naman ako binigo ng isip ko.
 
Hayaan mo akong sagutin ang ilang puntos sa sulat mo bago ako magbigay ng opinyon ko tungkol sa ‘yong kalagayan.
 
Una, nung nakipagkita sa’yo ang ka-hook up ng asawa mo at pinabasa sa’yo ang text ng asawa mo sa kanya. Ang tanong mo eh kung dapat kang mainggit dun sa KHU. Sa palagay ko eh hindi, dahil kung malambing man ang asawa kay KHU eh sa text lang ‘yun. Eh ikaw, kung naglalambing sa’yo ang asawa mo eh siguradong nararamdaman mo ‘yon at kung may katagalan na kayo bilang mag-asawa o mag-jowa eh siguradong naramdaman mo ang paglalambing sa’yo ng asawa mo.
 
Pangalawa, tinatanong mo kung paano na ang anak nyo. Ano ba ang gusto mong mangyari o gawin nya sa anak nyo? Anak nyo ‘yan at siguradong pinagtulungan nyo syang buuin dahil hindi ka makakabuo ng anak mag-isa. Wala siyang ibang maaaring gawin kundi sustentuhan at bigyan ng oras ang anak nyo. Kung paano nya gagawin ‘yon eh sya na ang bahala dun. Alin ba sa tingin mo ang tinatawag na “wasak” na pamilya? ‘Yung magkakasama nga kayong mag-asawa at anak nyo sa isang bubong pero hindi nagkikibuan o nagpaplastikan at laging nag-aaway o ‘yung magkakahiwalay pero nag-uusap, nagkikita at meron pa ring magandang pakikitungo sa isa’t-isa?
 
At pangatlo, hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit, kirot at hapdi na nararamdaman mo? Walang ibang taong makakasagot nyan kundi ikaw.
 
Isa ang istorya mo sa maraming kwento na nabasa at narinig ko tungkol sa isyu sa pagitan ng mag-asawa. At madalas sa hindi ay laging nagiging biktima ang babae at laging suspek ang lalaki habang anak, kung meron man, ay maaaring tawaging collateral damage.
 
Sa mga kwento na gaya nito ay lagi akong napapaisip. Bakit merong mga ganitong pangyayari? Bakit madalas sa hindi ay lalaki ang may kasalanan.
 
Sa aking pananaw, hindi dahil sa aking kasarian, eh hindi dapat laging isisi ang mga bagay kung bakit naghiwalay o naghanap ng iba ang lalaki sa kanya. Kundi dapat ay tinatanong ng babae ang kanyang sarili kung ano ang kanyang kasalanan o nagawa para maghanap ang kanyang asawa ng iba? Nagagawa mo pa ba ang mga responsebilidad mo bilang isang mabuting may bahay? Kahit ‘yong mga simpleng bagay lang.
 
Kung nagawa nya na sa’yo dati ito, ibig sabihin eh may kulang sa’yo at sa iba nya nakita pero hindi naman ibig sabihin nun eh andun na sa nakita nyang bago ang lahat dahil siguradong may kulang pa rin kung sino man ang kanyang KHU (halimbawa: matris). At kung nagawa na nya sa’yo dati ito, bakit andyan ka pa din? Bakit hindi mo na lang sya pabayaan?
 
Subukan mo syang kausapin. Kung ayaw nyang makipagusap ng ayos, magkusa ka na. Mag-impake ka na ng gamit at paalisin na mo sya. Malay mo ‘yun lang ang hinihintay nya. At kung hindi man lamang sya umangal sa pagpapaalis mo sa kanya eh ‘wag mong kakalimutang ipaalala ang kanyang mga responsibildad sa inyong anak.
 
Sabi nga, don’t cry over spilled milk. Dahil kung tunay nga na isa syang gatas, malamang sya ay panis na. ‘Wag mo nang inumin at baka pagsaktan ka pa ng tyan.
 
Maraming bagay na dapat ay pinag-aaksayahan mo ng oras kesa isipin mo ang tungkol sa kalokohan ng asawa mo. Alam kong mahirap pero sa tingin mo saan ka mas magiging productive?
 
Ang nakikita ko kasi sa’yo, base na din sa sulat mo, eh ang asawa ang araw na center ng solar system at ikaw ay isang planeta na umiikot dito.
 
Sabi nga ng sikat na Internet Action Star na si Sir Ramon Bautista, “There is more to life than love”. ‘Wag mo nang pasakitin ang bangs mo sa kakaisip nyan. Sa tingin mo ba eh iniisip ng asawa mo ‘yan?
 
Kung sa usapin naman sa iyong anak,hangga’t nagagawa mo ang mga tungkulin mo bilang ina sa kanya, wala kang ibang dapat sabihin. Kung bata pa ang anak mo, hindi nya pa mauunawan ‘yan pero kapag sa tingin mo eh nasa tamang edad na sya, ipaliwanag mo lahat.
 
Sabi nila, ang mga anak daw ang karma nang mga magulang lalo na nang mga mister na kumakanan ng iba.
 
Hindi ako naniniwala dito lalo na pagdating sa usapin tungkol sa pagkanan ng mister ng iba. Sa palagay ko eh kung ang mga sitwasyon at mga bagay-bagay tungkol sa pag-aasawa ay naibabahagi at naipapaintindi ng maayos sa anak eh sa tingin ko eh hindi sila magiging karma ng magulang.
 
Nagiging kakulangan din kasi ng mga magulang, ama o ina, na aminin sa kanilang mga sarili ang kanilang pagkakamali sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. At ‘yung mga pagkakamali na mga ‘yon ay naipapasa o nakukuha ng kanilang mga anak na siya ding nagiging resulta ng pagkakatulad ng kanilang kapalaran sa kanilang magulang na siya namang isisisi sa karama.
 
Ang pagtanggap mo sa mga pagkakamali mo ang una mong dapat gawin.
 
Sa kalagayan mo ngayon at sa mga nangyari sa inyong relasyon ng asawa mo nung mga nakalipas ay kailangan mo nang kalimutan kasama na din ang asawa mo.
 
Kung ang lagi mong iisipin eh haba ng taon na pinagsamahan nyo eh ang kapalit naman nyan eh habang buhay mong kaligayahan. Meron ka pang ibang makikilala at ‘wag mong pigilin ang sarili mo na mangyari ‘yon. Kung nakikita mo na masaya ngayon ang asawa mo piling ng iba eh hindi naman siguro ibig sabihin nun masaya sya dahil nasaktan sya. Nagkataon lang siguro na ‘yung nakita nyang babae ang magpapasaya sa kanya. At ‘wag mong hayaan ang sarili mo na hindi makakita ng iba na magpapasaya din sa’yo.
 
Hindi mo din dapat tinatanong ang asawa mo tungkol sa pagiging masaya nya sa iba dahil kita naman ang ebidensya. At ‘wag na ‘wag mong itatanong kung mahal ka pa nya dahil sa ginagawa nya pa lang eh alam mo na siguro ang sagot. Mas magiging masakit lang para sa’yo kung sa kanya mo mismo maririnig ang sagot.
 
Hindi mo kailangang magkunwari sa harap ng anak mo na ayos lang ang lahat dahil alam mong hindi. Mas magiging madali ang lahat kung magiging totoo ka.
 
Mahalin at bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Palayain mo na ang asawa mo at alagaan mo ang anak mo. Kailangan mong maging masaya ka para sa mga anak mo at sa’yong sarili at para mapakita mo din sa asawa mo na hindi sya kawalan sa’yo. Kailangan mong maipakita kung paano gumanda ang buhay mo mula nung lokohin ka nya para naman win-win ang bawi mo. Gumanda na ang buhay mo, nanghinayang at naglaway pa sya sa’yo.
 
Sa ilang ulit kong pagbasa sa sulat mo, nakita ko na ilang ulit mong binanggit ang anak mo. ‘Wag mong gawing dahilan ang anak mo para mag-stay pa sa relasyon nyong mag-asawa dahil kung nasa tamang edad na ang anak mo at nakikita ka nyang nasasaktan eh sa palagay ko eh mas gugustuhin nya pang maghiwalay kayong mag-asawa kesa lagi kang nasasaktan.
 
Pagpasensyahan mo na at nagmumukhang paulit-ulit na ang sinasabi ko dahil nagtatrabaho din ako habang nagbabahagi ako ng aking pananaw tungkol sa kalagayan mo pero ganun pa man sana ay naunawan mo ang gusto kong sabihin.
 
IWANAN MO NA ANG ASAWA MO AT MAGHANAP KA NANG IBA NA MAGPAPASAYA SA’YO AT MAGMAMAHAL SA’YO NG TOTOO.
 
Hanggang dito na lamang at sana a sumulat ka ulit kung may iba ka pang nais itanong o ibahagi at balitaan mo na lang ako kung ano man ang mangyari sa desisyon mo sa buhay.
 
Marami salamat ulit at hanggad ko ang kaligayahan mo.
 
Lubos na gumagalang,
 
Kuya Mao
 
 
**************************************************
 

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)


Nalilito, nagtatanong

$
0
0
Isa na namang katanungan ang susubukan nating mabigyan ng kasagutan.
Dear Kuya Mao,

Paano mo masasabi na mahal ka ng isang tao?

Paano mo din masasabi na mahal mo ang isang tao?

Lubos na nalilito,

Karz 

Salamat sa’yong pagsulat Karz.

Ang pag-ibig o pagmamahal ay isa sa pinakamakapangyarihang pwersa sa mundo. Ito ay makikita mo sa iba’t-ibang uri at anyo.

Ito ay maaari natin ihalintulad sa stroke dahil hindi natin alam kung kailan ito aatake. Maari ding ihalintulad ang isang tunay, tapat at wagas na pagmamahal sa isang oportunidad na kapag lumampas ay mahirap na ulit balikan.

Matapos ang maikli at walang kwentang pasakalye, simulan na natin ang pagsagot.

Masasabi mong mahal ka ng isang tao kapag nagtapat sya sa’yo ng kanyang nararamdaman.

Kung pagbabasehan lang natin ang kanyang mga gestures o ang kanyang ipinakikita eh maaring malito lamang tayo o iba ang ibig nyang ipakahulugan. Kunwari, meron isang lalaki na nung una eh parang dedma ka lang tapos bigla na lang sya naging sweet sa’yo at caring pa. Mahirap agad na ipalagay na mahal ka nya o may gustuhang namamagitan sa inyong dalawa dahil maaring gusto ka lang nyang utangan o baka naman ‘yung kuya mo ang tipo nya. ‘Wag kang assuming.

Kung talagang mahal ka nya eh ‘wag mong basahin ang kanyang body language. Hintayin mong umamin sya ng nararamdaman nya para sa’yo. Kung hindi man nya magawang aminin sa’yo ang nararamdaman nya, it’s his lost, not yours.

Masasabi mo na mahal mo ang isang tao kung/kapag:

  • Gusto mo lagi syang makita
  • Gusto mo lagi syang makausap
  • Gusto mo lagi syang kasama
  • Hindi ka makatulog kakaisip sa kanya
  • Hindi ka makakain kakaisip sa kanya
  • Lagi mo syang naiisip
  • Lagi mo syang naaalala
  • Wala ka ng ibang bukang bibig kundi sya
  • Naniwala ka sa mga pinagsasabi ko dito

Ang tunay na pagmamahal ay hindi tumitingin sa estado sa buhay at panlabas na kaanyuan. Ang isang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat ng anumang kayamanan o katanyagan dahil ang pagmamahal mismo ang kayamanan. Ang isang tunay na pagmamahal ay may kapintasan at ang pagtanggap dito ang syang magpapatunay na tunay ang ‘yong nararamdaman.

Masasabi mong mahal mo ang isang tao kung lahat ng kapintasan sa kanya ay tanggap mo. Eh ano naman kung mabaho paa nya? Ano naman kung mabaho hinga nya? Ano naman kung malakas syang humarok?  Eh ano naman kung mutain sya? Ang importante at mahalaga eh mahal mo sya at tanggap mo ang mga kapantasan nya.

Mas mapapatunayan mo kung mahal mo ang isang tao kung gigising ka sa kanyang tabi. ‘Yung tipong wala pang hilamos, ligo, mumog at toothbrush. Kung kaya mong tanggapin ang halimuyak ng kanyang pang-umagang amoy, masasabi mo na siguro na mahal mo na ang isang tao.

Kung kaya mong tanggapin ang isang tao ng buong-buo, anuman ang kanyang pagkukulang at kapintasan, maari mong sabihin na mahal mo na nga sya.

Muli, maraming salamat sa pagsulat mo Karz.

Sana ay nabigyan ko ng linaw ang ‘yong katanungan.

Gumagalang,

Kuya Mao

*****************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)


Tuwing umuulan at kapiling ka

$
0
0

Malamig ang dampi ng bawat patak ng ulan sa ating balat. Tila binabato tayo ng maliliit na butil ng yelo, malamig ngunit malumanay.

Isa ang eksenang ito sa libo-libo, kundi man milyong eksena na sumasagi sa isip ko na gusto kong gawin kasama ka.

Ang dating pangarap ay unti-unti ng nabubuo.

Para tayong mga batang naghahabulan habang nagtatampisayaw sa ulan. Sumasabay sa bawat galaw ng dahon na parang isinasayaw ng ihip ng hangin.

Nagpapaanod ng mga dahon na kunwaring bangka sa agos ng tubig ulan sa kanal.

Nagpapadulas sa basang mutha sakay ng palapa ng niyog mula sa taas ng burol.

At sabay nagtawanan ng bumaliktad sa baba nito.

Magkatabing nakahiga sa basang damo at nakatingala sa langit. Pilit binibilang ang milyong patak ng ulan.

Tumagilid ako ng tingin sa’yo upang pagmasdan ang maamo mong mukha habang ikaw ay nakapikit at ninanamnam ang bawat patak ng ulan.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa’yo at masuyong dinampian ng halik ang iyong mapulang labi.

Sinuklian mo ng malumanay na halik ang aking halik.

Ang ating magaan na halik ay unti-unting naging mapusok.

Naghahabulan ang ating mga dila. Nag-i-espadahan.

Ang aking mga kamay ay unti-unting naglalakbay sa’yong malambot na katawan.

Ramdam ko ang ginhawang dulot ng mainit mong kamay na dumadampi sa malamig at basa kong katawan.

Sinamantala natin ang malakas na buhos ng ulan at ang madilim na kalangitan.

Dahan-dahan kong sinalat ang pinto ng ‘yong kalangitan.

Kkkkzzzzzzzttt!!!

Bbbblllllaaaaaaagggggaaaaammmmmm!!!

Halos magkasunod na tunog ng kidlat at kulog.

Parang nagbubunyi ang kalangitan at nakikipagsaya sa eksenang kanyang nasasaksihan.

Bbbbbblllllllaaaaaaggggaaaaaammmmm!!!

Muling pahabol ng kulog.

Blagam! Blagam! Blagam!

Sunod-sunod na tunog ng kulog?!

Blagam! Blagam!

“Lintek ka Ramonito! Dalian mo nga maligo at tanghali na! Male-late ka na naman sa klase mo!”

“Nagtitikol ka na naman ha! Patayin mo ‘yang shower at sayang tubig!”

Pinatay ko ang shower.

Nagtapis ng tuwalya.

Lumabas ng banyo.



Yearend Espeysyal

$
0
0

Tulad ng mga T.V. stations at mga palabas sa telebisyon, gusto ko ding makiuso sa mga year end special tungkol sa mga nangyari sa buhay ko sa nakalipas na taon kahit alam kong wala ka naman pakialam dun. At kahit nung unang pasok pa lang ng 2014 ko ito sinimulan, gusto ko pa ding humabol dahil katatapos pa lang ng Chinese New Year. Simulan na natin ang recap.

Simulan natin nung Enero:

- Unang buwan ng taon kaya medyo sariwa pa ang utak ko. Nakapagambag ako ng tatlong basura sa internet. Sa buwan ding ito ay sumali ako sa isang patimpalak ni Bino.

Pebrero

- Dahil medyo busy na ako ng panahong ito, nakapagpahabol ako ng isang sulatin na halatang hilaw ang luto.

Nung buwan ng Marso eh medyo naging abala ako sa pakikipagkamayan sa ating mga kababayan upang isulong ang sa palagay ko eh isa sanang magandang pagbabago. Nasabayan pa ng bago kong propesyon: ang magyabang para magmukhang may alam. At nasundan pa ng pagbabaksyon sa ospital dahil Mahal na Araw. Nagcheck in lang ako ng matagal para hindi halatang gupit binata.

Matapos ang huli kong naisulat noong Marso habang nagbabakasyon sa ospital, tatlong buwan pa ulit ang binilang bago makapagpakitang gilas ulit ako. Una, dahil naging abala ako sa aking bagong propesyon. Pangalawa, dahil hindi ako naka-move on sa pagkatalo ng mga sinuportahan ko nung eleksyon. Hindi talaga ako para sa politika.

Tatlong magkakasunod na buwan ako nakabawi: Hulyo, Agosto at Setyembre. Pero alam kong kulang pa din. Dahil marami akong utang na katanungan na naghihintay ng kasagutan.

At bilang panimula ngayong bagong pasok na taon, abangan mo sa isang araw ang isang sulat na sasagutin natin.

Masyado akong nagpadala sa pagiging abala noong nakaraang taon. Ginasgas ko na ang palusot na ito para kumbinsihin ang sarili ko na hindi dapat ako ma-guilty sa mga utang kong sagot sa mga sulat katanungan sa akin at para hindi ko mailbas ang mga kwento na nabuo sa aking utak.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, sisikapin kong bigyan ng katarungan ang palaging mong pagbabantay sa aking mga sulat. Pipilitin kong magisip ng mas kapanipaniwalang palusot bukod sa pagiging abala. At lagi kong isasaisip na kailangang mapunuan ang bawat pahina ng Libreta ni Kuya.

Sealed with a kiss

$
0
0

Dahil malapit nang matapos ang Buwan ng Pag-ibig, pumili ako ng isang katanungan na hindi naman kabiguan ang tema.

Simulan na natin.

Kuya Mao,

Bakit pumipikit ang tao kapag nakikipaghalikan? Nakapikit din ba ang mata mo kapag nakikipaghalikan ka?

Bebs

Alam mo Bebs, madaming sagot sa katanungan na ‘yan.

Una, pumipikit ang isang tao kapag siya ay nakikipaghalikan dahil mas masarap ito gawin kapag nakapikit. Mas nararamdaman mo ang sarap ng halik kapag ikaw ay nakapikit.

Pangalawa, medyo awkward naman kung habang naghahalikan kayo eh me eye to eye contact pang nangyayari. Parang nakakailang naman ata ‘yun.

Pangatlo, pimipikit ang tao kapag nakikipaghalikan dahil masama sa mata ang tumingin sa isang bagay sa masyadong malapit. Katulad din yan sa panonood ng T.V. pwera na nga lang ang nguso.

Pangapat, dahil masyadong malapit ang mga mukhang ng dalawang naghahalikan sa isa’t-isa, kapag nga naman nakapikit ka eh maiiwasang mong makita ang nakabukas niyang pores o blackheads sa mukha pati na rin ang mga hinog niyang tagyawat.

Panglima, ang pagpikit ng mata habang naghahalikan ang signal para sunod na magdilim ay ang kwarto — parang pagpapatay lang ‘yan ng ilaw.

At base sa isang pag-aaral, dahil sa pagdami ng oxygen na nakukuha ng ating utak, nagkakaroon ng biglaang paggalaw sa ating blood vessels na siyang nagiging sanhi ng pagpikit ng tao kapag nakikipaghalikan. Nagkakaroon din ng chemical reaction sa ating katawan na sya ding dahilan ng pagpikit ng ating mata.

At ang pag-aaral na ito ay nagpapatunay din na ang tutsang ang pinakamahabang buhok sa katawan ng tao dahil kapag hinihila mo ito ay napapapikit ka pero may ilang pag-aaral din na nagsasabing burnik ang mas mahaba sa tutsang dahil hindi ka lang mapapapikit kapag hinila mo ito kundi may kasama pang sigaw.

Hindi ako pumikpikit kapag nakikipaghalikan ako dahil bukod sa hindi ako tao eh takot din ako sa dilim.

Sana nasagot ko ang mga katanunga mo.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

*****************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Letting Go, Moving On

$
0
0

Isang sulat muli ang sususbukan nating mabigyan ng matinong kasagutan.

Kuya Mao,

Kagagaling ko lang sa isang almost 2 years na relationship. Nais ko sanang humingi ng opinyon o payo mo kung paano makapag-move on. After almost 2 years naming relasyon, nalaman kong meron na pala siyang ibang girlfriend. Nahihirapan akong magmove-on dahil sa kanya ko lang naramdaman kung paano maging isang girlfriend. I mean, may nagiging bf naman ako dati kaso hindi tumatagal at sa kanya ko lang naranasan na alagaan, alalahanin at proteksyonan bilang isang girlfriend at dahil dun ay sobrang nahihirapan akong magmove-on. Nagdecide ako na makipaghiwalay sa kanya though hindi formal dahil sa text ko lang sinabi, dahil hindi nya ako pinili over the other kasi daw medyo complicated DAW ang sitwasyon nya at gusto nya na maghintay ako ng konti. Iniisip ko din naman ang sarili ko ‘coz I’m not getting any younger at gusto ko na din lumagay sa tahimik na buhay. Sa ngayon ay may ine-entertain na akong manliligaw pero hindi pa rin ako maka-move on sa ex ko. Ano ba ang pwede mong ipayo sa akin? Sana ay matulungan mo ako.

Daine :cry:

Sabi nga sa kanta ni Mikaila na “Art of Letting Go”, Put away the pictures, put away the memories. Ibig sabihin, kung ano man ang mga bagay na magpapaalala sa’yo ng ‘yong ex eh dapat itapon mo na o kalimutan mo na. Pero hanga din naman nga ako sa mga taong nagsasabi nang ganito na parang ang pagmo-move on eh napakadali.

Sabi naman ni Master Ramon Bautista, merong 4Rs of moving on.

  • Return – Ibalik mo ang lahat ng mga ibinigay nya sa’yo dahil na rin syempre para madali kang makalimot dahil wala ka ng makikitang mga bagay na pedeng magpaalala sa’yo sa kanya.
  • Reverse Bitter - Isipin mo ‘yung mga bagay na pedeng maging dahilan ng hindi nyo pagsasama. Eto ‘yung mga bagay na negative sa kanya. Kunyare, matakaw sya masyado. Gusto lagi eh me extra rice pero wala naman palang pambayad. Mabaho ang katawan nya kahit bagong ligo ng signature na pabango. Mabaho ang hininga kahit bagong sepilyo with matching mouthwash pa. ‘Yung mga ganun.
  • Rebound – Sabi mo nga, ngayon eh me ini-entertain ka na bagong manliligaw, so ginagawa mo na sya ngayon. ‘Wag ka nga lang agad sasagot at bibigay dahil sabi mo nga eh hindi ka pa nakakapag-move on so magiging unfair ka naman sa isa kung biglang kayo na agad.
  • Revenge - Hindi ito ‘yung tipong maghihiganti ka sa ex mo ha. Bad ‘yun. Kundi ito ‘yung paghihiganti mo sa dating ikaw. Kung dati eh nabubulagan ka dahil sa pagmamahal mo sa’yong ex, ngayon ay ipakita mo sa kanya na nakapag-move on ka na at hindi na ikaw ang dating ikaw na hahabol-habol sa ex mo.

Pero alam kong mahirap gawin ito lalo na kung bago pa lang kayong naghiwalay ng bf mo. Hindi ko sinasabing ‘wag mong gawin ito dahil kung tutuusin eh magandang simula nga ito para makapag-move on ka pero gusto ko lang i-share sa’yo ang art of enjoying a broken heart.

Medyo kakaibang approach ‘to dahil sino ba namang shunga ang mag-e-enjoy habang ang kanyang pusong sugatan ay umiiyak at sumisirit ang dugo dahil sa hapdi at pait na dulot nang kanyang nakaraang pag-ibig.

Isipin mo, kung nung me bf ka eh halos wala kang “Me” time o oras sa sarili mo, eto na ang pagkakataon para mag-enjoy ka naman mag-isa. Madami kang na-miss sa sarili mo dahil nakulong sa sa relasyon nyo.

Eto na rin ang pagkakataon para makalabas ka with your friends and meet someone else dahil syempre usually kasi ‘yung mga bf/gf relationship eh school-bahay o trabaho-bahay lang lalo na kung kayo eh medyo mga bata pa.

Eto rin ang pagkakataon para maitama mo ang daan ng iyong buhay. Syempre nung me karelasyon ka pa, iba ang pananaw mo sa buhay. Iba ang mga plano mo at gustong mangyari. Ngayong single ka na ulit, magplano ka para sa sarili mo dahil hindi mo naman talaga alam kung sino ang magtatagal sa buhay mo para isama sya sa mga plano mo.

Ito ay mga simpleng payo lang pero kelangan talaga nating pagtuunan ng pansin ay ang sulat mo.

Himayin natin.

Sabi mo after almost 2 years nyong relasyon eh nalaman mong me iba pala syang girlfriend. Pede bang ipakilala mo ako sa ex mo at magpapaturo akong kung paano maghandle ng ganung sitwasyon? Ang galing nya eh. Biruin mo halos 2 years nyang naitago sa’yo ‘yun? Pede rin siguro sa gf na lang nya dahil baka hindi pa alam nung gf nya na nagkaroon sya ng ibang relasyon. Kung iwanan sya eh maganda para matuto sya.

‘Yung pagiging caring at protective nya sa’yo eh mukang supalpal ako dun. Wala akong macomment dahil isa ito sa gentleman gesture na dapat ginagawa ng isang bf sa kanyang jowa. Siguro kasi maalaga at protective din ako sa aking mga naging karelasyon kaya no comment ako. Hehe.

Nakipaghiwalay ka sa text. Bakit? Textmate lang ba kayo? Hindi ba kayo nagkita physically? Madami ang naghahanap ng “closure” sa isang relasyon dahil sa mga ganitong pagkakataon. Nagtext ang isa at sinabing wala na sila. Break na sila. Split na sila. Hiwalay na sila. Bakit? Tapos? Bakit hindi mo magawang magkipaghiwalay sa personal? Kasi lalo kang masasaktan? Sa tingin mo hindi sya nasasaktan? Sige, sabihin nating hindi sya nasasaktan, eh ikaw? Hindi ba nasaktan ka na nga at alam kong mas masakit ang nararamdaman mo ngayon kasi nga hindi ka makapag-move on. Pano kung ‘yung pa lang pag-uusap nyo ng personal, maging “closure” man ‘yan o balikan, ang magpapalinaw pala sa lahat, why not take the risk? Pano kung sa pagkakataong ‘to eh ikaw ang piliin nya at malalaman mo lang ‘yon after ilang years matapos nilang maghiwalay nung una nyang pinili at naging matandang binata sya at ikaw naman eh nakapag-asawa ng gwapong mabait na mayaman, hindi ka ba magsisisi sa bandang huli at sasabihin sa sarili mong sana? Siguro nga its his lost pero sa isang sulok ng puso mo eh siguradong me susundot dyan at sasabihing sana. Kung hindi naging maganda at least nakipagusap ka sa kanya at sasabihin mo in the near future na no regrets ka sa naging relasyon nyo. Malay mo sa pagkakataong ito eh malinaw ka na sa “It’s Complicated” status nung una nyang pinili. Pano kung ibig nya pala sa’yo na maghintay ka ng konti eh ‘yun palang isa eh me taning na ang buhay at dahil nag-iisang anak ng haciendero eh ipinangalan na din sa kanyang ang mga kayamanan? Eh di instant milyonaryo kayo at baka nga bigyan mo pa sya ng moral support. Kausapin mo sya ng personal.

Lahat ng tao eh sa pagtanda ang punta. ‘Yun nga lang, ang iba eh tumatandang walang pinakatandaan. Alam mo, may ilan akong kilalang tumandang dalaga at binata pero masaya. Nagkaroon sila ng mga jowa nung kabataan nila at tumanda silang binata at dalaga pero masaya. Me mga kilala ako na pagsapit nang gantong edad eh nag-asawa pero asan sila ngayon? Sira ang pamilya. Ang pag-aasawa eh hindi minamadali dahil baka sa pagmamadali mo eh magsungaba ka at hindi ka na makabangon. Hindi ko sinasabing ‘wag kang mag-asawa at tumanda kang dalaga kundi ang sinasabi ko eh i-enjoy mo ang buhay mo. Madami kang mamimiss kapag nag-asawa ka na. Kung me kakilala o kaibigan ka na me mga asawa na, ‘wag kang mainggit sa kanila dahil sigurado ako sa ilan sa kanila eh naiinggit din sa’yo dahil single ka pa.

Gusto mong lumagay sa tahimik? Bat di mo subukang tumira sa sementeryo? Tahimik dun lalo na sa gabi.

Sabi mo eh me ine-entertain ka ngayon. Ang payo ko sa’yo eh take it slow. Alam mo sa totoo lang, base sa sulat mo eh nararamdaman kong medyo desperada ka na at ‘wag lang mag-alok sa’yo ng kasal ang ine-entertain mo ngayon eh papayag ka agad. ‘Yung tipong walang ligawan na nangyari tas kumakanta lang pala sya: “will you marry me — daughter and make her wife”. Pakipot ng konte pag me time. I-enjoy mo lang ang company nya dahil magiging unfair ka sa kanya. Kung tutuusin nga eh unfair ka na ngayon kasi agad-agad mag-e-entertain?

Magiging iba kasi ang takbo ng utak mo sa mga panahong ito kasi nga hindi ka pa nakaka-move on. Kung sino man ang makaka-date mo sa panahon ngayon eh siguradong hahanapin mo ang mga characteristics na meron ‘yung ex mo at sa paghahanap mo ‘yon eh lalo kang mahihirapang mag-move on. You should let go first then move on. Habang hawak mo pa lahat ng memories mo sa ex mo at patuloy mong hahanapin ang mga katangian nya sa ibang tao, mahihirapan kang mag-move on at magiging unfair ka pa.

Subukan mong makipagusap sa kanyang ng personal then try to sort things out.

Sana ay nabigyan kita ng liwanag at sana ay mahanap mo ang tunay mong pag-ibig.

Hangad ko ang iyong kaligayahan.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

*****************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

No guts, no glory

$
0
0

Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli na naman tayong tatanungin ng isa na ata sa musigid nating mambabasa. Andito ang kanyang istorya.

Hi kuyamao!

Nabasa ko na ang payo nyo sa akin last time and I took your advice. But I think it just make the situation more complicated. I wrote to you that letter two weeks ago, but you only responded last week. Maganda naman ‘yung payo mo kaya lang parang mas nahirapan ako. Sana this time you could really help me. This is about my ex, me and my then manliligaw na ngayon nga ay boyfriend ko na. Kuya Mao, nag-usap na po kami ng ex ko at nalaman ko na iniwan nya na pala ‘yung gf nya. Sabi nya sa akin, hindi nya daw sinabi agad sa akin kahit sa text dahil gusto nya daw sabihin sa akin ng personal. And then when we met nga ikunwento nya sa akin lahat. Handa na daw sya na magsama na kami. Nangako sya sa akin na gagawin nya lahat bumalik lang ako sa kanya at marami pa akong sikretong nalaman sa kanya. What will I do Kuya Mao? Hindi ko inamin sa kanya pero aaminin ko sa’yo na mahal ko pa din sya at kahit may bf na ako, sya pa rin ang iniisip ko. Lumalabas kami ng bf ko ngayon pero ex ko pa din ang iniisip ko. Sya lang talaga ang nakakapagpasaya sa akin. Alam ko may kulang sa akin kahit may bf na ako ngayon dahil mahal ko pa rin ang ex ko. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao sa akin kung babalikan ko ang ex ko kasi alam na nilang may bf na ako ngayon. Another problem is, paano ko sasabihin sa bf ko ngayon na mahal ko pa din ang ex ko at kailangan ko syang iwan? Ayoko kasing saktan ang bf ko ngayon dahil ako ang first gf nya. Kuya Mao, please help me dahil nalilito na talaga ako. Ayokong mawala na naman ang ex ko sa akin. Sana matulungan mo ako.

Umaasa sa sagot,

Daine :cry:

Hi Daine! Buti napadaan ka ulit. Hayaan mo muna akong magbitaw ng isang mahabang hhhaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy…….

Alam mo natakot ako sa sulat mo dahil pakiramdam ko nagkaroon ako ng back job. ‘Yung tipong pinaglampaso ulit ako ng Boss ko sa opisina dahil may isang empleyadong hindi nagpunas muna sa doormat bago pumasok eh alam na putik ang sapatos.

Habang binabasa ko ang sulat mo, nalilito ako. Hindi ko kasi alam kung pinakinggan mo nga ang advice ko o hindi. Hindi ko alam kung nakatulong ako sa’yo o hindi. At kung bakit ka nakinig sa akin.

Una gusto kong magpasalamat sa’yo dahil kahit papano eh me nakikinig din pala sa tulad kong sira ulo.

Pangalawa, natutuwa ako hindi dahil nahihirapan ka ngayon kundi dahil nagkaroon na naman ako ng bagong post dahil sa sulat mo.

Natutuwa ako dahil sinunod mo ang advice ko na mag-usap kayo ng personal pero nalulungkot din at the same time dahil sa halip na makatulong ako eh lalo pang nakagulo.

Hindi bale.

Promise ko sa’yo, sa pagkakataong ito eh sisiguraduhin kong makakatulong na ako — sana.

Simulan na ang sagutan.

Kinailangan kong balikan ng ilang beses ang sulat mo bago magkagawa ng payo dahil sa tingin ko eh medyo mabigat ito kumpara sa una mong sulat. Kumbaga sa basketball eh last 2 mins. na sa laban ng Brgy. Ginebra at San Mig Coffee at lamang ang San Mig.

Kailangan na si Jawo.

Sa tingin ko maganda naman ang naging bunga ng pag-uusap nyo ng personal though medyo gumulo pero — konti lang.

Hindi mo man inelaborate ang mga sinabi at inaming sikreto sa’yo ng ex mo, sa palagay ko eh mabibigat na bagay ito (hal. isang kilong bato na may pako) dahil nahirapan kang magdesisyon ngayon.

Isang mabigat na payo din ang ibibigay ko sa’yo.

BALIKAN MO SYA!

Alam ko madami ang magtataas ng kilay pero himayin natin para mas maunawaan.

Sabi mo nga, boypren mo na ngayon ‘yung manliligaw mo two weeks ago pero sino ang mahal mo? ‘Yung ex mo.

Sabi mo nga, lumalabas kayo ng boypren mo ngayon pero sinong nasa isip mo? ‘Yung ex mo.

Alam mo ikaw lang ang nagpapahirap at nagpapakumplikado sa sarili mo.

Bakit kailangan mong matakot sa sasabihin ng ibang tao?

Kaya ba nilang ibigay ang saya na nararamdaman mo pagkasama ang ex mo?

Kaya ba nilang ibigay ang pagmamahal na kayang ibigay ng ex mo?

Kaya ba nilang punuan ang pagkukulang na nararamdaman mo dahil wala na ang ex mo?

Alam mo kung talagang mahal nyo ang isa’t-isa, bakit mo kailangang pahirapan ang sarili mo?

Alam ko na maaaring natatakot ka na baka iwan ka na naman ng ex mo. Pero alam mo, hindi mo matitikman ang sarap ng panalo kung hindi ka susugal.

San ka nakakita ng nanalo sa STL ng hindi nataya?

Ikaw ang makapagsasabi kung sincere talaga sya sa mga pangako nya sa’yo pero kung nararamdaman mong sincere sya, bakit hindi nyo subukan ulit?

Sa aking pananaw, bihira ang lalaking magsasabi na handa na syang makisama sa kanyang jowa.

Maraming mag-jowa na ilang taon na pero ni minsan kaya narinig ng babae sa lalaki na handa na syang makisama sa babae?

Sa tingin ko kasi ‘yun eh isang uri ng proposal sa informal na pamamaraan.

Paano halimbawa may makitang ibang babae ang ex mo at sa pagkakataong ‘yun eh ‘yung gf na nya ang gusto nyang samahan? Hindi kaya nakakapanghinayang ‘yun?

Alam mo kaya may taong napu-frustrate sa buhay dahil may mga bagay silang hindi nila nakuha dahil sa iisipin ng ibang tao.

Sa larangan ng pag-ibig, hindi mo dapat isaalangalang ang sasabihin ng iba dahil pagdating ng panahon eh mawawala din ‘yan at wala namang mas magiging masaya kundi kayong dalawa.

Kaya ang payo ko sa’yo ay isang matigas at solidong, BALIKAN MO SYA!

Problema mo din kung paano mo sasabihin sa bf mo ngayon na mahal mo pa ex mo?

Madali lang ‘yan.

Kung paano mo sinabi mo sa ex mo na ayaw mo na sa kanya — through text.

Pero syempre kailangan mo pa din sya ng personal. Sasabihin mo lang na mahal mo pa ang ex mo. Hindi mo na kailangan ng maraming sermonyas at adlib. Kung talagang makulit, isama mo ang ex mo para silang dalawang mag-usap. ‘Wag mong kalimutang magdala ng softdrinks at popcorn dahil baka makapanood ka ng live na action movie.

Ayaw mong masaktan ang bf mo ngayon kasi ikaw ang first gf nya?

WOW!

Ano ‘yan? Sa kweba nakatira? Joke lang po. :lol:

Sa tingin mo sa ginagawa mo ngayon, hindi kaya sya nasasaktan? Hindi kaya mas masakit kung malalaman nya na sya nga ang boypren mo pero ‘yung ex mo pa rin ang isinisigaw ng puso at isip mo? Alam mo nagiging unfair ka lang sa boylet mo ngayon lalo na sa sarili mo.

Hindi dahilan ‘yung ayaw mong masaktan ang jowa mo ngayon kasi ikaw ang first gf nya dahil kahit sino pa ang maging gf nya, masasaktan at masasaktan sya. At sa tingin mo hindi kaya mas magiging masakit para sa kanya na sa’yo na first gf nya pa naranasan na mag-jowa nga kayo pero ‘yung ex mo naman ang mahal mo?

Mas gugustihin mo pang magsinungaling sa kanya tungkol sa nararamdaman mo kesa sabihin ang totoo na in the long run eh magpapasaya at magpapalaya sa inyo?

Saka, Haler! Two weeks pa lang ang relasyon nyo. Wala pang masyadong emotional investment. Madali syang makaka-move on. Maniwala ka.

Kung ‘yun ngang almost two years nyong relasyon ng ex mo eh na-give up mo eh ‘yun pa kayang two weeks pa lang?

Daine, ‘wag mong pahirapan ang sarili mo. ‘Wag mong gawing komplikado ang mga bagay na nasa harap mo lang ang solusyon. Sa ginagawa mong ‘yan, mas marami kang pinahihirapan at nasasaktan.

Isipin mo ang kapalit nito ay panghabang buhay mong kaligayahan. Siguro sa simula sasama ang loob ng bf mo pero pagtagal ng panahon, magpapasalamat pa sya sa’yo dahil naging tapat ka sa kanya. At dapat maging tapat ka din sa sarili mo.

Dalawang simpleng payo lang: BALIKAN MO ANG EX MO AT IWAN MO ANG JOWA MO.

At sinisigurado ko sa’yo, 5 years, 10 years from now, kung buhay pa itong blog ko, magpapasalamat ka sa akin.

Palayain mo ang sarili mo. Maging masaya kayo ng ex mo.

Sana ay nabigyan ko ng linaw ang magulo mong utak.

Hangad ko ang iyong kaligayahan.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

*****************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Tanong sa mga sagot

$
0
0

Isang tanong ang medyo naburo na sa aking kahon ng mga sulat.

At sa hindi malamang kadahilanan, ito ay aking nabukalat.

Halika’t lumapit, ito’y aking isisiwalat.

dearkuyamao,

Madami ka ng nasagot na mga tanong sa blog mo. Madami ka na ring napayuhan at naniniwala akong madami ka pang nakatago. Pero gusto ko lang malaman kong ikaw naman ang may tanong, sinong ang pinagtatanungan mo? Kanino ka humihingi ng payo?

Curious lang… :lol:

Benz

Salamat sa pagsulat at pagtatanong mo Benz.

Alam mo, isa ang mga tanong na ‘yan sa minsang nagiging tanong ko din sa sarili ko. Iniisip ko minsan kung susulat din ako sa sarili ko para magtanong.

Pero hindi ko ginagawa ‘yun.

Una dahil sa magmumukha akong sira ulo na gumisa sa sarili ko.

Pangalawa, bihira akong makapag-on line dahil mahinang sumagap ng wifi sa kapitbahay ang aking Nokia 5110i kahit naka Baron Super Antenna na.

Sa totoo lang, nahihirapan akong sumagot sa ilang katanungan na ibinabato ng mga mambabasa natin. Sa palagay ko kasi ay may ibang tao pa sa paligid nya na pede nyang pagtanungan at maaring syang sagutin — ng mas matino.

At the same time, flattered din naman ako kasi sa dami ng mas matinong tao kesa sa akin eh ako ang napiling pagtanungan. Pero mahigpit kong ipinagbabawal na magtanong sa akin ang mga taong nasa binggit ng kamatayan o gusto ng magpakamatay dahil baka lalo silang matuluyan sa magiging sagot ko.

Matapos ang mahabang pasakalye, umpisahan na natin ang sagutan.

Kung may tanong ako, sinong pinagtatanungan ko? Kanino ako humihingi ng payo?

Marami at depende.

Kung hindi ko alam ang direksyon, mas madalas kong pagtanungan ang map app kesa sa mga tao sa kalye. Minsan bago ako bumyahe, sisilip muna ako sa Google Maps at idadownload ang bawat kalye, kanto, loading at unloading zone sa pupuntahan ko. Pero dahil 128 lang ang memory ng utak ko, kung hindi man naku-corrupt ang info eh nagka-crash ang buong system. Buti na lang me dala akong cellphone na laging me extra load na pede kong ipangtext sa kakilala ko para magpasundo dahil naliligaw na ako.

Kung tungkol sa pera, bihira akong magtanong sa mga kakilala ko kung saan ako pedeng mangutang dahil sa kanila na mismo ako nautang. Bihira din akong magtanong sa kubrador ng STL at teller sa Lotto outlet kung saan ako pedeng makakuha ng pera. Tipid tipid lang talaga at proper budgeting.

Kung tungkol sa problema sa opisina, bihira akong magtanong sa Boss ko dahil bihira akong magkaproblema sa opisina. Hindi dahil sa hindi pumapasok pero dahil sa tingin ko eh hindi naman kailangan ng isang madibdibang usapan para matugunan ang mga problema ko sa opisina.

Kung tungkol sa buhay pag-ibig naman, may ilang din akong napagtatanungan — noon.

Noon kasi tuwing magiging sawi ako sa pag-ibig (Oo. Napagdaanan ko din ang pagiging sawi bago ako naging heartthrob), wala akong control. Kahit sinong makasalubong ko na kakilala eh bigla ko na lang pagtatanungan kaya madalas eh napapatingin sila sa akin ng masama at pinagmamasdang magaling kung naka-drugs lang ako.

Pero ‘yun eh nung unang panahon pa.

Punta tayo sa kasalukuyang panahon.

Ngayon, may pinagdadaanan pa din ako pero hindi na katulad ng dati na nanghaharang ako ng taong pede kong pagtanungan.

Eto na ang mga ginagawa ko ngayon:

Una, kakausapin ko muna ang sarili ko. Itatanong ko sa kanya kung ano ang problema namin. Sa pagitan ng kanyang singhot at hikbi ay unti-unti kong naiintindihan ang sitwasyon. Kapag medyo mabigat o malalim ang problema, syempre call a friend na kami — kasali na si Bro.

Kahit medyo me konting liwanag na akong nakikita, hindi pa rin ako titigil sa paghahanap ng kasagutan.

Pangalawa, mag-iisip ako ng mga kakilala ko na pede kong pagkatiwalaan at hindi mga kaliga nina Tito Boy at Ate Kris. At hindi lang ako sa isang kakilala ko lang magtatanong. Gusto ko eh ‘yung may magkakaibang punto de bista kasi mas natitimbang ko ang mga bagay bago ako gumawa ng desisyon.

Pangatlo, maghaharap ulit kami ng sarili ko. Sa dami ng nahingan ko ng opinyon tungkol sa kung anumang pinagdadaanan ko, walang ibang magbibitaw ng huling salita kundi ang sarili ko. Dahil kung magkamali man ako ng desisyon sa bandang huli, wala akong ibang sisisihin kundi sarili ko.

Hindi naman masama ang pagkamusta at pagkausap sa sarili dahil nakakatulong ‘to kahit papano para maliwanagan ka. Kelangan mong mag-reflect sa sarili mo at mas magiging mabisa ito kung magpapagiya ka kay Bro.

Wag mo lang dalasan ang pagkausap mo sa sarili mo lalo sa pampublikong lugar dahil malamang sa hindi eh magretreat ka ng matagal sa Mandaluyong.

Sa ngayon ay sa kanila ako nagtatanong at humihingi ng payo tuwing kailangan ko.

Sana ay nasagot ko ang katanungan mo.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

*****************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Viewing all 32 articles
Browse latest View live